Saturday, June 12, 2010

A B K D uR so KAKA!



(Yaya) Wow, galing naman ng alaga ko! Beri gud ah…

(Angelina) Wat-e-ever Yaya!

(Yaya) May napansin lang ako anu, parang wala na akong space na nakikita sa bahay natin.

(Angelina) Kasi Yaya, you don’t have an artistic sense of criticizing what is a True Work of Art. Di na baling mahirapan ka sa pagscrub ng wall natin, ang importante naging colorful sya. Ang importante natapos ko ang pinapagawa ni Mommie. I need to practice more para maging Best in Arts ulit ako. Gets mo?

(Yaya) pabulong na sinabi sabay labas ang usok sa ilong ~ Mukha mo… mukha mo… ang kukuskusin ko eh!

(Angelina) Oh Yaya, bakit parang sinasapian ka na naman. Mommieeeeeeeeeeee! Where is Yaya’s straitjacket? Sinasapian na naman sya.

(Yaya) Rarrr! Rarrr! Rarrr!

(Mommie) Oh Yaya! Bakit sumisigaw na naman itong si Angelina?

(Yaya) Ay wala po meym, nagkument lang naman po ako sa art work nya. Kasi po para bang OA sya, OA sa dami eh, mesyadu naman po ata siyang ginanahan!

(Mommie) Hayaan mo na Yaya, maganda na yan kaysa parati syang nakatunganga o pakalatkalat lng diba?

(Yaya) Ay uu nga meym, you are uhh so right anu. Sabi ko na nga eh!

(Angelina) Bleh! Bleh! Bleh! At dahil dyan, ito ang kanta ko sa iyo Yaya ~ A B K D… uR so KAKA Yaya, Wat-e-Ever! Bleh!

No comments:

Post a Comment